Nakatakdang isagawa ngayong araw ng Biyernes, May 6 ang final testing and sealing para sa mga vote counting machines o VCM’s na gagamitin para sa nalalapit na halalan dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Nabatid mula kay Provincial Election Supervisor Atty. Ericson Oganiza, isasagawa ang naturang aktibidad upang matiyak ang kalidad ng mga VCM at kung sakaling makitaan ng malfunctions ay magkakaroon pa aniya ng oras para ito’y maibalik sa Laguna upang mapalitan.
Sa buong lalawigan ng Pangasinan, mayroong 3,339 na VCM’s na siyang magagamit ng bawat clustered precincts at mayroon pang inaantay na ilang contingency materials na gagamitin sakali namang magkaroon ng aberya.
Bagamat wala namang gaanong binago sa rules and regulations ng eleksyon sa ating probinsya, payo pa din nila sa publiko na ugaliin itong sundin.
Giit ni Oganiza, kapansin-pansin sa ngayon ang kaliwat kanang batuhan ng mga kandidato o kampo sa social media ukol sa ilang mga alegasyon na kanilang kinasasangkutan.
Dahil dito, hinikayat ng opisyal na iparating sa kanilang himpilan ang bawat reklamo na at panindigan o patunayan sa pamamagitan ng pagpi presenta ng matibay na ebidensya ng sa gayon ay hindi mapahiya ang kanilang tanggapan na mag file ng kaso sa korte.