Pumanaw na ang isa sa mga pinakatanyag na chef at restaurateur ng Pilipinas, si Margarita Araneta Forés, sa edad na 65.

Kilalang-kilala sa kanyang kahusayan sa pagluluto ng Italian cuisine at sa pagsusulong ng mga sangkap ng Filipino, iniwan ni Chef Margarita, founder of CIBO ang isang pamana na kasing yaman at kasing sagana ng mga lasa na kanyang ipinagmamalaki.

Ang kanyang journey ay isang kwento ng pagbabago, pagtitiyaga, at malalim na pagmamahal sa pagkain na nagdala sa kanya sa iba’t ibang kontinente—mula sa mataong kalye ng New York hanggang sa mga kaakit-akit na kusina ng Italy at pabalik sa Manila.

--Ads--

Ipinanganak noong Marso 23, 1959, sa pamilyang Araneta at Forés.

Ang kanyang lolo, si J. Amado Araneta, ang nagtatag ng Araneta Center na may lawak na 35 ektarya sa Cubao, habang ang isa pa niyang lolo, si Dr. Jose Y. Forés, ay isang pambansang surgeon at isa sa mga nagtatag ng Makati Medical Center.

Sa kabila ng mga dakilang legasiya ng kanyang mga lolo, naghanap si Margarita ng sarili niyang landas, at ito ay nagdala sa kanya sa mundo ng pagkain.

Nagsimula ang kanyang journey sa isang propesyonal na kusina kundi sa makulay na kultura ng pagkain sa New York City, kung saan lumipat ang kanyang pamilya nang siya ay isang freshman sa Assumption College sa San Lorenzo, Makati.

Sa Big Apple, natagpuan niya ang aliw sa tuwing pumapasyal siya sa isang simpleng Italian-American na restawran, kung saan hindi niya alam na doon siya unang tikman ang inspirasyon.

Ang bagong ganitong pagnanasa sa Italian cuisine ay tumimo sa kanyang puso at kalaunan ay naging siyang misyon sa buhay.

Ang kanyang academic path ay nagdala sa kanya sa Marymount School of New York at Mount Holyoke College, ngunit matapos ang dalawang taon ay bumalik siya sa Pilipinas at natapos ang kanyang degree sa accountancy sa Assumption College.

Nagpunta rin siya sa Hong Kong, kung saan nakipagsapalaran siya sa finance bilang isang trainee para sa Axona Holdings.

Bumalik siya pabalik sa New York, nagtatrabaho sa fashion, at nakakasalamuha ang mga personalidad tulad nina Salvador Dalí, John F. Kennedy Jr., at Franco Rossellini.

Kahit na puno ng glamor ang kanyang buhay, napagtanto na may kulang – ang kusina.

Nang pumanaw ang kanyang lolo noong 1985, naging turning point iyon sa kanyang buhay at tinahak niya ang kanyang culinary dreams.