Rabiya Mateo, Miss Universe Philippines 2020 competes on stage in Ema Savahl swimwear during the MISS UNIVERSE® Preliminary Competition at the Seminole Hard Rock Hotel & Casino in Hollywood, Florida on May 14, 2021. Tune in to the live telecast on FYI and Telemundo on Sunday, May 16 at 8:00 PM ET to see who will become the next Miss Universe.

Nalulungkot ang Filipino community sa Estados Unidos matapos bigong manalo ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo at maging si Miss USA sa katatapos na 69th Miss Universe.

Ayon kay Bombo International correspondent Stella Fullerton mula sa Montana, USA, bagaman hindi pinalad na nanalo si Mateo ay tinuturing pa rin siyang winner.

Ang inaasahan nila ay mananalo ito dahil taglay niya ang beauty and brain. Naniniwala si Fullerton na na magiging matagumpay ito sa kanyang career sa hinaharap.

--Ads--

Saad pa ni Fullerton, paborito niyang manalo ang Miss Philippine at Miss USA. Pero sa mga top 5 ang bet niya ay si Miss Peru.
Matatandaan na bigong makapasok sa Top 10 si Mateo.

Bombo International correspondent Stella Fullerton from Montana, USA

Unang nakapasok sa Top 21 ng pageant ang Pinay beauty queen.Noong nakaraang taon nang koronahan si Mateo, na tubong Ilo-ilo, bilang Miss Universe Philippines.

Nanawagan naman ito sa kanyang kapwa Pilipino na irespeto na lamang ang nanalo at maging proud pa rin dahil ginawa lahat ng pinay beauty queen ang lahat ng makakaya sa pagsali niya sa Miss Universe competition.