Dagupan City – Nag-organisa ng meet and greet ang Embahada ng Pilipinas sa France para sa mga Atletang Pinoy na sumabak sa Paris Olympics 2024.

Kung saan ay si 2- time Olympic Gold Medalist Carlos Yulo lamang ang nakibahagi.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Dick Villanueva, bagama’t mag-isa lamang ni Yulo na dumating sa meet and greet ay nagagalak pa rin ang mga Pinoy na nagtungo roon para masilayan ang atleta.

--Ads--

Nagsagawa rin ang mga ito ng Misa na pinangunahan ni Fr. Leo Balager katuwang ang mga Filipino Catholic Mission sa France kung saa ay inalayan din nito ng dasal si Yulo.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang Filipino Communities na makausap at makakuha ng litrato kasama ni Yulo.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Yulo na dalawang medalya ang nasungkit niya sa Olympics. at ipinaabot nito ang kaniyang pasasalamat sa mga sumuporta sa kaniyang kampanya sa Paris Olympics.

Taos puso rin aniya ang kaniyang pasasalamat sa Panginoon dahil pinagkalooban siya ng mga taong handang umagapay sa kaniya sa pagharap nito sa mga hamon ng buhay.