DAGUPAN CITY- Buong nakasuporta ang Filipino Community sa Las Vegas, USA kay Manny ‘Pacman’ Pacquiao para sa laban nito ngayon araw kontra kay American Boxer Mario Barrios.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Fely Abarabar Quitevis, Bombo International News Correspondent sa Las Vegas, USA, kung sakali man na magwagi ang Filipino Pride, inaasahan na niya na magkakaroon ng Victory Party ang mga Pilipino roon upang ipagdiwang ang muling pagkapanalo ni Pacquiao sa larangan ng boksing.
Maliban pa riyan, aniya, usap-usapan sa lokal na balitaan sa Las Vegas na mahihigitan ni Pacquiao ang kaniyang makakatapat kahit pa na mas bata ito sa kaniya.
Samantala, inaasahan na ang pagdagsa ng libo-libong manonood na sa paghaharap nina Manny Pacquiao at Barrio Barrios, ngayon araw.
Sa kasalukuyan ay sold out na umano ang mga ticket para sa naturang paghaharap.
Karamihan na rin sa mga hotel sa Las Vegas ay fully booked na.