Nagulat at nalungkot ang mga mamamayan ng Japan at mga Filipino Community sa biglaang pagbaba sa puwesto ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Sa ekslusibomg panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Kent Pana, English Teacher at pastor sa Gifu prefecture, Central Japan, mahal ng mga OFW si Abe dahil may mga programa itong nagproprotekta sa foreign population.

Katunayan, naglabas ang Japanese government ng stimulus na 100,000 bilang suporta sa kanyang mga mamamayan at Filiipino community sa panahon ng pandemya.

--Ads--

Inaasahan na nila ang mga pagbabago sa hinaharap dahil tiyak na may ibang agenda ang susunod na prime minister.

Kent Pana

Samantala, naniniwala si Pana na isa rin sa dahilan ng pagbibitiw ni Abe dahil nakaranas ito ng external pressure .

Si Pana ay 20 taon nang nagtratrabaho sa Japan.