Dagupan City – Walang dapat ipagalala ang Filipino community sa France hinggil sa suspek ng insidente ng pananaksak sa isang pamilihan na inilarawan bilang isang terroritst attack.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vladelyte Valdez, Bombo International News Correspondent sa France, ibinahagi niya na kasalukuyang mainit ang mga diskusyon kaugnay sa naganap na insidente ng pananaksak sa isang pamilihan sa silangang bahagi ng bansa.
Ani, Valdez, patuloy naman ang ginagawang pagbabantay ng pamahalaan upang mapanatili ang seguridad ng mga mamamayan.
Matatandaan na kinilala ang suspek na isang 37-anyos na Algerian national na sampung beses nang sinubukang i-deport ng France, dahil isang Portuguese national na ang nasawi habang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon, subalit ang iba pang biktima ay nasa maayos nang kalagayan.
Dahil dito, mas naging mahigpit ang gobyerno ng France sa pagtanggap ng mga dayuhang migranteng pumapasok nang ilegal sa kanilang teritoryo.
Hinihinala naman ng mga opisyal na ang insidente ay may kaugnayan sa mga isyu ng migrasyon at Islamic terrorism. Dahil dito, inaasahang paiigtingin pa ng France ang kanilang mga panuntunan sa pagtanggap ng mga dayuhang nais pumasok sa bansa.