DAGUPAN CITY – Nagtipon tipon ang mga Filipino Community sa Florida USA upang makalikom ng pondo para sa mga biktima ng bagyong Kristine sa Bicol Region.

Kung saan nagkaroon sila ng isang fundraising event sa pamamagitan ng pagsasagawa ng masquerade party na dinaluhan naman ng mga Pinoy sa nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Zaldy Tejerero Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, aniya ay naging matagumpay ang nasabing event at hindi nila inaasahan na malaking halaga ang kanilang malilikom.

--Ads--

Sa pamamagitan nito ay nakita niya ang pagkakaisa ng mga Pinoy sakabila ng anumang sakuna ay handang tulungan ang isa’t isa kahit pa man sila ay nasa malayong lugar.

Samantala, ipapadala naman ang nalikom na pera dito sa Pinas upang kahit papaano ay makatulong lalo na sa mga naapektuhan sa Bicol Region.