DAGUPAN, CITY— Hati pa rin ang opinyon ng Filipino Community sa pasya ukol sa US presidential race 2020 sa pagitan ni US President Donald Trump at ni democratic bet Joe Biden.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International Correspondent Devorah Helm mula sa Texas, USA, kanyang ibinahagi na hanggang sa ngayon ay hati pa rin ang boto ng mga Filipino-American sa kanilang bansa dahil kanila pang mas kinikilatis ang inilalatag na plataporma ng dalawang kandidato.

Bagaman ang ilan umano dito ay naghayag ng suporta sa Republican bet, ngunit hindi pa umano sigurado hangga’t hindi pa nalalaman ang resulta ng magaganap na eleksyon.

--Ads--
Tinig ni Bombo International Correspondent Devorah Helm mula sa Texas, USA

Dagdag pa rito, nangangamba ang ilang mga mamamayan doon sa magiging resulta ng naturang eleskyon lalo na kung ano ang magiging susunod na hakbang ng mahahalal na presidente ng kanilang bansa.

Ayon naman kay Bombo International Correspondent Harold Helm, kanilang inaantabayanan kung paano nila matatalakay ng maigi ng dalawang kandidato ang ilang pinakamaiinit na usapin sa kanilang bansa gaya na lamang ng sa aspeto ng ekonomiya, pagtugon sa epekto ng COVID-19, pagpapanatili ng kaayusan at batas sa kanilang bansa.

Bombo International Correspondent Harold Helm mula sa Texas, USA

Saad pa niya, malaking gampanin umano ang mga naturang isyu sa kung sino ang makakapagbigay ng malinaw at maayos na plataporma para rito.