Kumpiyansa ang Filipino community sa bansang Israel na maiuuwi ni Ms Philippines Universe Beatrice Gomez ang korona sa gaganaping Ms Universe 2021.
Ayon kay Bombo International Correspondent
Marc Pleños kasama ang ilan pang mga Pilipino roon, na bumiyahe pa sila ng higit anim na oras at bumili ng ticket para lamang masaksihan ng live ang naturang kompetisyon.
Aniya ito rin ay para maibigay ang kanilang suporta para sa kapwa Pilipino.
Dagdag rin nito na maituturing kasing full package si Gomez dahil sa angking ganda at talino nito kaya’t malaki ang tsansang muling maibabalik ang naturang korona sa bansa.
Malaki rin umano ang suporta ng Israel sa mga miyembro ng LGBTQ. Matatandaang pagmamalaking ipinahayag ng Cebuana beauty queen na si Gomez sa publiko na siya ay miyembro ng LGBTQ.
Samantala bilang pagobserba sa mga panuntunan para makaiwas sa Covid-19 virus sinabi nitong bago makapasok sa venue ay kinakailangang magpakita ng green pass ang mga residente. Kung saan ang manonood na hindi makapgprepresenta nito, ay sasailalim sa rt/pcr test.