DAGUPAN CITY- Naging matumal ang paghahain ng kandidatura sa bayan ng Sta. Barbara sa unang dalawang araw.

Ayon kay Maria Lorna Lopo, Officef IV ng Commission on Election Sta. Barbara, wala pa rin nakalista na kakandidato sa local sa kanilang bayan simula noong unang araw. Subalit inaasahan naman ang pagdagsa ng mga maghahain sa middle period o sa huling araw ng filing of certificate of candidacy.

Maliban lamang sa mga aspiring candidates para sa barangay elections dahil dinagsa ito.

--Ads--

Aniya, kasama nila ang mga kapulisan upang tiyakin ang kaayusan at kaligtasan sa paghahain ng kandidatura ng mga aspirants.

Nagpaalala naman siya sa mga aspirants na ihanda ang mga kinakailangan upang maiwasan ang anuman anomalya.

Dagdag pa niya, iwasan ang paghain ng kandidatura sa huling araw upang maaksyunan pa ng Comelec ang posibleng problema.

Samantala, inaasahan din ng Comelec Lingayen ang pagdagsa ng paghahain ng mga aspirant ng kanilang kandidatura sa huling araw.

Ayon kay Reina Corazon Ferrer, Comelec Officer, naniniwala siyang may kaniya-kaniyang paniniwala ang mga nais kumandidato sa araw ng kanilang paghahain ng certificate of candidacy.

Katuwang din nila ang mga kapulisan upang matiyak ang kapayapaan sa kanilang lugar.