DAGUPAN CITY- Sa makabagong panahon, patuloy ang mga magsasaka sa bayan ng Sta. Barbara sa pagtuklas ng mga organikong paraan upang mapalakas ang kanilang mga tanim.
Isa na rito ang paggamit ng Fermented Plant Juice (FPJ) at Fermented Fruit Juice (FFJ) bilang natural na pampataba at pampalago ng halaman.
Sa pamamagitan ng programang ito, layunin ng mga magsasaka na mapalaganap ang tamang kaalaman at kasanayan para sa isang mayabong at masaganang maisan sa kanilang komunidad.
Ang Farmers Field School on Sustainable Corn Production ay pinondohan ng Agricultural Training Institute (ATI) Region 1 at tinulungan at pinadali ng Corn Banner Program ng lokal na pamahalaan.
Ang mga lokal na teknisyan at eksperto ay nagbigay ng kanilang mga kaalaman at pagsasanay upang matulungan ang mga magsasaka sa kanilang mga pangangailangan.
Sa ganitong mga hakbangin, mas marami pang magsasaka ang matututo at magtatagumpay sa larangan ng organikong pagsasaka.
Aniya, dahil sa mga pangyuayari ay baka magkaroon na ng earthquake drills sa mga paaralan upang magkaroon ng kaalaman ang mga bata kung ano ang gagawin sa mga oras na lumindol.
Mensahe naman nito sa mga Pilipino sa nasabing bansa na huwag masyadong mag-alala at magdasal dahil walang nasawing mga Pinoy.