DAGUPAN CITY- Bilang tugon sa pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad, nagsagawa ng Feeding Drive ang ilang mga volunteers sa mga evacuation centers sa Calasiao.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mary Grace Aquino, kanyang ibinahagi ang pagsasagawa nila ng ganitong mga gawain dahil masakit aniya sa puso na makita ang kalagayan ng mga kababayan na nasa gitna ng krisis.
Aniya, sariling pondo nila ang ginagamit sa pamimigay ng pagkain at iba pang tulong, at hindi ito mula sa donasyon ng ibang tao o organisasyon.
Ibinahagi rin ni Aquino niya na may mga aktibong kabataan na boluntaryong tumutulong sa kanilang grupo upang maisakatuparan ang feeding program.
Dagdag pa niya, humihingi rin sila ng suporta mula sa publiko upang maipagpatuloy ang kanilang misyon ng pagbibigay ng tulong sa mga evacuees sa Calasiao.
Nananawagan sila sa mga may mabubuting kalooban na mag-abot ng tulong upang mas marami pa silang maabot at matulungan, lalo na sa panahong kailangan ang malasakit at pagkakaisa.