Dagupan City – Tulungan ang sektor ng agrikultura.
Ito ang naging panawagan ni Raul Montemayor, National Manager ng Federation of Free Farmers.
Aniya, mapapansin kasi na kakaunti na lamang sa mga kabataan ang gustong maging magsasaka dahil sa makikitang lubog na ang mga ito sa kahirapan.
Nauna na rito, sinabi ni Montemayor na pangunahing sanhi kung bakit lubog sa kahirapan ang mga magsasaka ay dahil sa kakulangan ng tulong ng pamahalaan sa kanila.
Matatandaan kasi aniya na ang nakaraang liderato ng naturang departamento ay naging sunod-sunuran lamang sa economic manager, kung saan ang pangunahing solusyon sa kakulangan ng suplay at pagtaas ng mga bilihin ay ang importasyon.
Binigyang diin naman nito na ang kailangan ngayon ng mga magsasaka ay iprovement sa productivity, dahil ito rin ang pangunahing susi para mapababa ang presyo sa merkado.
Ngayong taon, patuloy naman ang kanilang panawagan kay Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na tulungan ang lokal na produksyon para sa kapakanan ng mga magsasaka at mamamayan.