Nagsagawa ang Federal Bureau of Investigation (FBI) ng malawakang imbestigasyon ukol sa assasination attempt kay Ex US President Donald Trump sa Florida.
Kasama sa mga hakbang ng mga awtoridad ang pagkuha ng search warrant para sa mga social media accounts ng mga hinihinalang mga taong konektado sa akusadong si Ryan Wesley Routh, na naaresto kamakailan.
Ayon sa FBI, ang isinasagawang malawakang imbestigasyon ay naglalayong alamin ang background ng ilang mga online activities ni Routh sa mga platform na naka-base sa ibang bansa, kaya’t nakikipagtulungan ang FBI sa kanilang mga international partners upang makuha ang lahat ng posibleng impormasyon tungkol sa kanya.
Sinusuri rin ng nasabing ahensiya ang mga pahayag ni Routh tungkol sa kanyang mga international activities bilang bahagi ng kanilang imbestigasyon, ngunit sa ngayon ay wala pang natukoy na mga kasabwat ang hinihinalang suspek.