Walang ‘favoritism’ sa pagbibigay ng alokasyon ng mga bakuna kontra COVID-19 sa mga bayan ng lalawigan ng Pangasinan.

Iyan ang binigyang linaw ni Dr. Anna Marie de Guzman ng Provincial Health Office (PHO) Pangasinan sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan.

Binigyan diin nito na ang DOH Region 1 ang siyang nagtatalaga ng mga alokasyon at nakabase ito sa bilis ng vaccination roll out ng kada munisipalidad o siyudad; pagsasauli ng kanilang gamit na vials; at ang kanilang pagbibigay ng master list sa Department of Health (DOH) upang sila ay mabigyan ng alokasyon.

--Ads--
Tinig ni Dr . de Guzman

Ibinahagi rin nito na sa ginawa nilang pagpupulong kahapon, kanilang napag-usapan na dapat umanong magamit o maiturok sa loob ng isang linggo ang kanilang mga natatanggap na COVID-19 vaccines.

Nagparating na rin umano ang nabanggit na tanggapan ng kanilang pagnanais na makipag pulong sa DOH hinggil sa paglilinaw sa naturang paglalaan ng mga alokasyon ng bakuna.

Samantala, nasa 6.55% na ng eligible population ng lalawigan ng Pangasinan ang nabakunahan kontra COVID-19.

Mula sa 1,975,000 eligible population ay nabakunahan na ang 129,363 rito.

Kung saan 96,281 (4.87%) ang nakatanggap ng fist dose at 33,082 (1.7%) naman ang mga nakakompleto na ng kanilang second dose.

Tinig ni Dr . de Guzman

Samantala, ang 67,538 (52%) mula sa kabuuang mga naturukan ng bakuna ay pawang medical fontliners o ang mga nasa A1 priority list.

37% naman dito ay mula sa A2 priority list na senior citizens, at 10.28% ay mula sa A3 priority list na persons with comorbidities.

Binigyang linaw naman ng PHO Pangasinan na wala pang natatanggap na Pfizer COVID-19 vaccine ang Pangasinan LGU.

Tanging ang lungsod ng Dagupan na isang chartered city ang nakatanggap ng naturang bakuna mula sa Department of Health Center for Health Development in Ilocos (DOH CHD 1).

Ito ay dahil wala pa umanong -70°C na ultra cold storage ang lalawigan kung saan pwedeng magtagal ang Pfizer vaccine ng hanggang 30 araw o higit pa.

Ngunit ani de Guzman, maaari naman umano itong ilagay sa 2°C hanggang 8°C cold storage ngunit kailangan itong magamit o maiturok agad sa loob ng tatlo hanggang limang araw.

Tinig ni Dr . de Guzman