Dagupan City – Patuloy ang isinasagawang monitoring ng Office of the Civil Defense Region 1 sa mga fault lines sa rehiyon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Adreanne Pagsolingan – Spokesperson ng Office of the Civil Defense Region 1, gaya na lamang ng West Ilocos Fault System na matatagpuan sa Ilocos Norte at Ilocos Sur, Abra River Fault na umaabot sa Abra at Ilocos Sur, Tubao Fault na matatagpuan sa La Union, San Manuel Fault sa Pangasinan na bahagi ng mas malaking Philippine Fault Zone at Zambales Fault na konektado rin sa Pangasinan.
Aniya, dahil dito, patuloy ang kanilang pagsusulong ng pagkakalat ng impormasyon at updates kung ano ang mga kinakailangang hakbang at ang pakikipag-koordina sa mga lokal na pamahalaan sa bawa’t bayan.
Isa nga sa mga hakbang na kanilang isinasagawa ay ang Public Service Continuity Plan (PSCP) pagsunod sa evacuation routes na ibinigay ng lgu’s at iba pang mga contingency plans.
Kaugnay nito, binigyang diin din ni Pagsolingan ang kahalagahan ng katatagan ng bawa’t kabahayan at mga ipranstraktura gaya na lamang ng pagsunod sa earthquake resistance structures o maging earthquake resillient.
Samantala hinggil naman sa usapin ng The Big One, patuloy naman aniya ang kanilang pagsusumikap upang maging handa aniya ang publiko at maprayoridad ang kaligtasan ng lahat.