Patay ang isang farm caretaker sa bayan ng Bolinao Pangasinan matapos itong pagbabarilin ng kaniyang amo.

Kinilala ang biktima na si Dennis Opolinto, 22 anyos at residente mula sa Barangay Zamora.

Sa inisyal na imbestigasyon ay lumalabas na nagpunta sa lugar ang may-ari ng farm na siyang suspek din sa pamamaril na kinilalang si Daniel Rillera at nagsagawa ng inventory sa mga sako ng feeds na noon ay nakalagay sakanilang stockroom.

--Ads--

Kinalaunan ng mapansin umano ng suspek na mayroong mga nawawalang sako ng feeds kayat pinatawag nito ang biktima.

Ngunit bigla na umano niya itong pinagbabaril ng ilang beses at pagkatapos ay agad na tumakas.

Nagtamo ng tama ng bala sa katawan ang biktima partikular na sa ibabang bahagi ng kanyang dibdib at mukha na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Dinala pa ito sa pagamutan subalit idineklarang Dead on Arrival.

Nagpapatuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan sa naturang insedente.