Aprubado na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapatupad ng taas-pasahe sa mga pampublikong transportasyon particular na sa jeep at bus dahil sa sunod-sunod na big time oil price hike.

Ayon sa LTFRB, sigurado na ang pagpapatupad ng dagdag pasahe ngunit sumasailalim pa aniya sa justification sa Department of Transportation (DOTr) kung magkano ang ipapatupad na fare hike.

Maliban dito sinabi rin ng LTFRB na sakop ng fare hike ang lahat ng naghain ng petisyon para rito ngunit hindi muna isasama sa pagaanunsyo ang mga taxi at UV Express matapos na magpasa ng kanilang petisyon kamakailan lamang.

--Ads--

Paliwanag ng ahensya, kailangan pa nitong dumaan at isalang sa mga hearing at nationwide consultation program bago ito maaprubahan.

Samantala, nakatakda namang ianunsyo sa Martes, Marso 17 kung magkano ang itataas ng pamasahe sa mga pampublikong transportasyon.