DAGUPAN CITY- Hindi maitanggi ni Marlon Nombrado, Co-founder ng Out of the Box Media Literacy, na madismaya dahil hanggang sa ngayon ay patuloy ang pagkalat ng fake news at dinsinformation sa iba’t ibang online platforms hinggil sa political issues sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kaniya, patuloy pa rin ang pag-copy-paste ng mga script at idadaan sa troll farms upang maging malawak ang sakop na audience.

Aniya, nakakaalarma ito dahil hanggang sa ngayon ay tila walang natutunan ang mga users mula sa mga nakaraang karanasan sa ganitong bagay.

--Ads--

Umaasa naman sila na mas magkakaroon pa ng naaayon na aksyon ang mga iba’t ibang platforms upang malabanan ang pagkalat ng mga ito.

Samantala, may iba naman na satirical lamang upang maghatid ng entertainment lamang.

Gayunpaman, maaari pa rin na maaari itong maghatid ng kalituhan sa ibang mga user.

Maaari kaseng may layunin ito na politically motivated at hanggang ang pera na nakukuha mula roon.

Subalit, ani Nombrado na ang mga ganitong klase ng post ay madaling matukoy.