Dagupan City – Nagtala ang S&P Global Manufacturing Purchasing Managers’ Index (PMI) ng paglago ng Philippine factories noong nakaraang buwan.

Ito’y matapos na bumaba noong hulyo matapos na makapagtala lamang ng 51.2, bahagyang bumaba mula noong hunyo na nasa 51.3 score.

Ngunit nangangahulugan naman ito na kung ang iskor ay mas mataas sa 50, ang sektor ay itinuturing na lumago, ngunit kung ang iskor naman ay mas mababa sa 50 ay kinokonsidera itong humina.

--Ads--

Ayon sa manufacture, ang demand trends ay patuloy na tumaas sa manufacturing sector, kung saan ang mga bagong order ay nagtala ng growth rate na mas mabilis sa five-month low ng Hunyo.

Samantala, ang demand mula naman sa overseas market ay bumaba noong nakaraang buwan.

Sa napananatiling pagtaas sa produksiyon, ang purchasing activities ay bumuti rin noong Hulyo. Kasamarin dito ang factories na nagtala ng paglago sa employment magmula noong Abril.

Sa kabila nito, nananatili namang optimistiko ang manufacturing companies sa susunod na 12 buwan.