Nagsuspinde ng face-to-face classes ang ilang paaralan at lokal na pamahalaan sa Miyerkules, Hulyo 22, bilang pagtalima sa gaganaping transport strike at paggunita ng mahahalagang okasyon sa kani-kanilang lugar.

Ayon sa mga inilabas na abiso, suspendido ang face-to-face classes mula Kinder hanggang Senior High School sa University of the East (UE) Manila Campus at University of the East (UE) Caloocan Campus dahil sa transport strike.

Samantala, wala ring face-to-face classes sa lahat ng pampublikong paaralan sa General Santos City kaugnay ng pagdiriwang ng Indigenous People’s Blaan Day.

--Ads--

Sa Kawit, Cavite, suspendido rin ang face-to-face classes sa lahat ng antas, sa pampubliko at pribadong paaralan, bilang paggunita sa Pistang Bayan ni Sta. Maria Magdalena.| via Bombo John Florez