Pinag-iisipan ng Pamahalaan Panlalawigan ng Pangasinan ang muling pagpapalawig ng umiiral na Extreme Enhanced Community quarantine sa probinsya dahil sa pag-dagdag ng 4 na panibagong kaso ng coronavirus disease na kinabibilangan ng mga medical frontliners.

Ang nasabing hakbang ay pinag-aaralang mabuti upang masiguro na hindi na lumalala ang sitwasyong kakaharapin pa ng lalawigan hinggil sa banta ng coronavirus disease.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pangasinan Provincial Health Officer Dra. Anna Marie De Guzman, ipinaliwanag nito na ang pagkonsidera sa pagpapalawig ng EECQ ay dahil sa pangamba ng posibleng pagtaas ang infection rate sa probinsya.

--Ads--

Dagdag pa ni De Guzman na dahil kabilang ang probinsya sa may malawak na sakop at malaking populasyon sa Pilipinas ay mas dapat na mag ingat upang hindi na tumaas pa ang mahahawaan ng naturang sakit.