Posibleng umabot ng taon bago tuluyang magkaroon ng desisyon sa extradition case ni Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang pahayag ng isang US Immigration lawyer na eksklusibong nakapanayam ng Bombo Radyo Dagupan na si Atty. Arnedo Valera.

Aniya ang proseso para sa extradition ni Quiboloy ay pinamamahalaan ng extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

--Ads--
TINIG NI ATTY. ARNEDO VALERA

Dagdag nito na sa kaso ni Quiboloy, ang US state department umano ang gagawa ng kahilingan. Pagkatapos ay susuriin ito ng Philippines ‘Department of Foreign Affairs (DFA) na tutugon kung nararapat nga ba ang kahilingan ng Amerika na malitis ito sa kanilang bansa

Habang ieendirso naman ito ng DFA sa Department Of Justice, Kung maiisip umano ng DOJ na may probable cause para i-extradite si quiboloy , gagawa ito ng kahilingan sa regional trial court ,

Naniniwala din ito na ipagpapatuloy ng Pilipinas koordinasyon nito sa Amerika na aniya ay dapat ding mabigyan ng respeto ang US sa magiging paglilitis ng bansang pilipinas.

Sa kasalukuyan ay wala pang natatanggap na pormal na request ng extradition na nanggaling sa department of state ang Pilipinas.

Matatandaan na noong nakaraang linggo, naglabas ang U.S. Federal Bureau of Investigation ng wanted poster para kay Pastor Apollo Quiboloy Bureau na nahaharap sa mga kaso gaya ng sex trafficking at cash smuggling.