Ibinahagi ng Pangasinan State University ang kanilang KomUnibersidad Program mula sakanilang Extension Unit.
Ang programang ito ay naglalayong magbigay ng serbisyo sa komunidad kabilang na ang itinuturi nilang ‘adopted school’, ‘adopted brgy.’, at ‘adopted community’.
Ayon kay Dr. Elbert Galas – University President, PSU – makabuluhan ang mga nakahandang programa na mayroon sa kanilang iba’t ibang fields of specialization, kagaya na lamang ng education, health, information technology, engineering, environment, at agriculture.
Patungkol naman sa patuloy na pagsasagawa ng research ng Unibersidad, tinututukan nila ang isinasagawa nilang mga conference mula sa research and extension.
Dito ay may mga aktibidad sila na kung saan, kanilang ipinipresenta ang kanilang mga research.
Bilang dati na silang nakatanggap ng parangal bilang National Research Center, kanila na itong tinututukan upang makatulong sa mga asin/salt farmers.
Parte ito ng kanilang community service o social responsibility, at ng extension activity ng kanilang Unibersidad.
Kaya naman patuloy ang panghihiyakat ni Dr. Galas sa mga estudyante na maging volunteers din na may inisyatibang handang tumulong sa komunidad na walang anumang kapalit.
Ipinaabot niya rin ang kanyang pasasalamat sa mga estudyante mula sa iba’t ibang campus ng Unibersidad na nakiki-isa sa kanilang mga layunin.