DAGUPAN, CITY— Ipinaliwanag ni Dagupan City Mayor Marc Brian Lim ang dahilan ng pag-apruba nila sa extended curfew hours dito sa lungsod.

Ang City Ordinance No. 775 o extended curfew hours ay inaprubahan kamakailan ng Sanguniang Panlungsod noong Septyembre 8.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mayor Lim, aniya hindi lamang dapat sa COVID-19 ang usaping dapat tutukan ng siyudad ng Dagupan kundi maging ang muling pagpapasigla ng ekonomiya ng lungsod.

--Ads--

Ayon sa naturang alkalde, maliban sa paglaban sa pandemya ay mahalaga din umanong mapatakbo ng maayos ang ekonomiya ng siyudad upang makatulong umano sa mga kababayan gaya ng mga public market at iba pang business estblishments sa lungsod.

Saad ni Lim, kung mapapahaba ang operating hours sa siyudad ay mapapasigla nito ang ekonomiya.

Ang naturang pasya ay dahil na rin sa nakuhang request ni Lim mula sa mga ibat ibang mga business at enterpreneur upang mapahaba ang oras ng transaksyon ng mga negosyo dito sa lungsod lalo na sa gabi.