BOMBO DAGUPAN- Napakahalaga na pag-aralan ang iba’t ibang parte ng ating karagatan upang malaman ang ating soberanya at karapatan sa paglinang ng yaman nitong taglay.
Ayon kay Atty.Joey Tamayo, Resource Person Duralex Sedlex na sa pamamagitan ng pagsumite at pagrehistro ng extended continental shelf ayon sa International law ay nagbibigay ito ng pagkilala at karapatan upang mag-extend ng 300 nautical miles sa nasasakupang karagatan.
Isa na lamang ang West Philippine Sea kung saan mula sa 200 nautical miles sa ating exclusive ecomic zone ay maaari tayong lumampas maging hanggang 350 nautical miles sa pamamagitan ng nasabing pagrehistro.
Sa pamamagitan nito na nakasaad sa batas sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) aniya ay luluwang ang ating karapatan sa West Philippine Sea na siyang magbibigay din ng karapatan sa atin upang linangin ang yaman ng dagat ng ating nasasakupang karagatan.
Bagamat ay hindi parin kinikilala ng China ang ating karapatan sa WPS ay patuloy parin aniya ang pagtulong ng lahat maging mga sibilyan gayundin ang pagdarasal ng mga religious groups na sana ay magising na ang China na ang WPS ay sa Pilipinas.