Naghain ng mga reklamo ang Save the Philippines Coalition sa Office of the Ombudsman laban kina Executive Secretary at dating Kalihim ng Department of Finance na si Ralph Recto, gayundin laban sa dating Pangulo at Chief Executive Officer ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na si Emmanuel Ledesma.

Kabilang sa mga kasong isinampa laban sa kanila ang plunder, graft, technical malversation, at grave misconduct, na may kaugnayan sa umano’y iligal at hindi awtorisadong paglipat ng humigit-kumulang P60 bilyong pondo ng PhilHealth patungo sa National Treasury sa loob ng panahong mula 2020 hanggang 2024.

Ayon sa koalisyon, ang naturang pondo ay bahagi ng reserve funds ng PhilHealth na nakalaan sana para sa serbisyong pangkalusugan ng mga miyembro nito.

--Ads--

Una nang idineklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang naturang paglilipat ng reserve funds, dahilan upang kwestiyunin ang legalidad at pananagutan ng mga opisyal na sangkot sa naturang transaksyon.