Iginiit ng kampo ni dating House Speaker at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na wala itong planong umalis ng bansa at haharap sa reklamong inihain laban sa kanya sa Office of the Ombudsman sa oras na pormal siyang mabigyan ng kopya nito.

Sa pahayag ni tagapagsalita Atty. Elaine Atienza, itinanggi nila ang mga paratang na umiiwas si Romualdez sa legal na proseso.

Aniya, nananatili ang mambabatas sa Pilipinas at sasagutin ang reklamo kapag naihatid na ito sa kanya.

--Ads--

“Rep. Romualdez has not yet been formally served with a copy of the complaint. Once we receive it, sasagot po kami nang buong-buo,” pahayag ni Atty. Atienza.

Binigyang-diin din ni Atienza na nasa yugto pa lamang ng preliminary investigation ang kaso at wala pang naisasampang kasong kriminal sa Sandiganbayan.

Dagdag pa niya, nananatiling umiiral ang presumption of innocence at kumpiyansa silang malilinis ni Romualdez ang kanyang pangalan kapag nasuri ang mga ebidensya.

“We deny in the strongest possible way any insinuation that Rep. Romualdez has attempted to evade the legal process. Uulitin po namin: kailanman ay hindi nagtago si Rep. Romualdez,” wika ni Atienza.

Dagdag pa ni Atty. Atienza, “Hinarap nya ang ICI, at haharapin nya ang Office of the Ombudsman. Siya po ay nasa bansa at mananatili sa bansa until such time that he will be able to clear his name.”