Dagupan City – Sa ginawang Senate Blue Ribbon Subcommittee kahapon kung saan humarap si dating pangulong Rodrigo Duterte ay tila mas pinahanga pa nito ang kaniyang mga taga-suporta.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Joseph Emmanuel Cera, Political Analyst and Constitutional lawyer, sa kabila kasi aniya ng pag-amin ng pangulo na mayroon talagang death squad ay wala nama naman aniya itong inilapag na kahit anong pangalan.
Gaya na lamang ng mga napapaulat na uniformed personell ang ilan sa mga ito at may reward money pang natatanggap.
Ayon sa statement ng pangulo, mga mayayaman na ang mga ito at hindi na kailangan pa ng reward money.
Samantala, sa pahayag naman ng dating pangulo na kaniyang inaako ang buong responsibilidad sa “war on drugs”, paliwanag ni Cera na talagang sasabihin niya ito dahil isa siyang pangulo sa mga panahon na iyun ngunit taliwas naman sa akusasyon na may kinalaman ito sa mga nasasawing inosenteng indibidwal.
Dito binigyang diin ni Cera na walang liability at responsibility ang pangulo sa mga akusasyon at nabitawang salita na “take full responsibility” upang mahatulan sa mga nasabing akusasyon.
Sa kabilang banda, ipinakita naman aniya ni Duterte na mistulang nagamit pa ang senado upang ipakitang “bully culprit” sila sa pagdidiin na mayroong hidden agenda ang “war on drugs”.
Naipaliwanag din kasi dito ng dating pangilo na sa ilalim ng kaniyang administrasyon, kaniyang naagapan at natutukan ang mga “tambay na user”.
Sa kabilang banda, lahat naman aniya ng mga responsableng pulis na gumawa ng krimen sa pagpatay ng mga inosenteng indibidwal dahil “may quota” ay nasakdal na at pinagbabayaran ang kanilang mga kasalanan.