Tanggap na umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang kapalaran kahit na lagutan ito ng hininga habang nakapiit sa International Criminal Court (ICC).

Ayon sa legal defense counsel nito na si Nicholas Kaufman, na kaniyang ibinahagi sa kaniyang kliyente ang ilang mga kaganapan ng magsimula ang confirmation of charges.

Dagdag pa nito na tila hindi nagkaroon pa ng interest ang dating pangulo na isulong ang kaniyang kaso.

--Ads--

Inatasan na lamang nito si Kaufman na gawin na lamang ang kaniyang trabaho dahil nagawa na niya ang kaniyang tungkulin at nag-iwan ng legacy sa bansa.

Magugunitang sa huling araw ng confirmation of charges ay hiniling ni Kaufman na dapat ay palayain na ang dating pangulo dahil walang bigat ang mga ebidensiyang ipinaparatang sa kaniya.