Inamin ni PNP Provincial Director Police Col. Redrico Maranan na kabilang ang dating punong barangay ng Brgy Camanbugan Urbiztondo na subject for search warrant operation ng kapulisan na isinagawa noong nakalipas na araw sa sinampahan ng kaso kaugnay sa pananambang sa convoy ni dating Pangasinan Gov. Amado Espino Jr noong September 11 sa San Carlo City.
Ayon kay Maranan kabilang ang dating punong barangay na si Teofilo Ferrer sa mga kinasuhan sa pananambang sa Convoy ni Former Gov. Espino na nagresulta sa pagkamatay ng bodyguard at driver nito.
Matatandaan na base sa mga nakalap na testimonya, mga actual footages na nakuha sa pinangyarihan ng insedente at mga nakalap pang ibedensiya ay kinasuhan ng patong patong na kaso ang 21 suspek sa naturang insedente kung saan kabilang dito si Ferrer.
Nahaharap ang mga suspek sa 2 counts of murder at 4 counts ng frustrated murder na kinabibilangan nina Ferrer, Albert Palisoc , Armando Frias, Benjie Resultan , Joey Ferrer, Ronnie Delos Santos , Gerry Pascua , Sherwin Diaz , isang Resueller, Jewel Castro , John Paul Regalado, at 10 john Does na itinuturing na masterminds , financiers, conspirators at kasabwat sa insedente.
Matatandaan na noong September 11, sakay si Espino ng Toyota Land Cruiser SUV kasama ang kanyang driver na si Agapito Cuison at Jayson Malsi habang ang kanyang back-up security ay sakay naman ng black Toyota Innova na minamaneho ni Anthony Columbino at kasama sina Police Staff Sgt Richard Esguerra at Kervin Marfori at patungo sanang Brgy. Ilang, nang sila ay pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek na armado ng mga mahahabang armas.
Agad na nasawi ang bodyguard na si Esguerra habang si Cuison, ang driver na nakapagtakbo sa dating Kongresista sa pagamutan ay binawian din ng buhay makalipas ang isang araw na pananatili nito sa pagamutan.