Natagpuang wala malay si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Maria Catalina Cabral matapos mahulog sa bangin na may lalim ng hanggang 30 metro sa Kennon Road.

Ayon sa Benguet police, nakita ng mga kapulisan ng Baguio City Police Office si Cabral sa Bued River.

Sa inisyal na imbesigasyon, na dakong alas-3 ng hapon ng patungo si Cabral at driver nito sa La Union.

--Ads--

Hiniling nito na bumaba sa Maramal Camp 5, Camp 4 at sinabihan ang driver na iwan na lamang siya.

Binalikan ito ng driver dakong ala-5 ng hapon pero hindi nito nakita kaya agad itong humingi ng tulong sa kapulisan.

Inaalam ng mga otoridad ang pinakasanhi ng kamatayan ng biktima.

Si Cabral ay kabilang sa mga iniimbestigahan na sangkot sa anomalya ng flood control projects sa bansa.