DAGUPAN CITY- Patuloy na isinasagawa ang Evacuation Efforts sa Bayan ng Bani, Pangasinan upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Khemberly Bacala, LDRRM Officer I ng Bani MDRRMO, kanyang inilahad na patuloy ang evacuation efforts sa mga lugar na itinuturing na high-risk sa kanilang bayan bunsod ng masamang panahon.

Aniya, tatlong barangay ang kanilang mahigpit na binabantayan dahil ang mga ito ay kabilang sa mga lugar na mabilis tumaas ang tubig kapag may malakas na ulan.

--Ads--

Bagaman hindi pa umano umaabot sa critical level ang water level, iginiit niya na kinakailangan nang ilikas ang mga residente sa mga flood-prone areas bago pa man lumala ang sitwasyon.

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng Bani MDRRMO sa iba’t ibang ahensya upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at maiwasan ang posibleng panganib sa gitna ng banta ng kalamidad.