Nagkasundo ang mga lider ng European Union na magbigay ng €90 bilyong pautang sa Ukraine, isang hakbang na layong tulungan ang bansa na manatiling matatag sa gitna ng patuloy na krisis sa seguridad at ekonomiya.

Bagama’t nabigo ang EU na magkasundo sa paggamit ng mga naka-freeze na ari-arian ng Russia na tinatayang nagkakahalaga ng €210 bilyon.

Sa kabilang dako, sa kanyang taunang end-of-year address, sinabi naman ni Russian President Vladimir Putin sa isang pahayag na “ginagawa ng Kanluran ang Russia bilang kaaway.”

--Ads--

Habang ang Belgium, kung saan karamihan sa mga ari-arian ng Moscow ay nakaimbak, ay tumangging i-release ang pera nang walang katiyakan na ito ay mapoprotektahan kung sakaling maghain ng demanda ang Kremlin.

Ayon sa mga eksperto, ang pautang ng EU ay katumbas ng halos two-thirds ng €135 bilyon na inaasahang kakailanganin ng Ukraine upang mapanatili ang operasyon ng pamahalaan sa susunod na dalawang taon.