BOMBO DAGUPAN – Hindi karapat dapat ang ginawa ng nurse.

Ito ang pahayag ni Zenaida Joy Bautista, Philippine Nurses Association Region 1 council adviser kaugnay sa nag-viral na isang Filipino content creator at vloger na nurse na pagkuha ng sensitibong video sa isang ospital.

Sa naging panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi ni Bautista na labag ito sa code of ethics ng mga Filipino nurses.
Isa sa pinapanatili ng mga nurses ay pangalagaan ang kanilang integridad.

--Ads--

Aniya, sa kabuoan ay nasa 27 ang code of ethics ng mga nurses sa bansa.

Kasama sa Nurse etiquette ang pagbibigay ng respeto sa privacy ng mga pasyente, maging responsible, maging malinis ang pananamit at ayusin ang pakikipag usap sa ibang tao at mapagkumbaba.

Payo pa niya sa mga nurses na maging palangiti pa rin kahit maraming pasyente at magpakatatag sa kanilang propesyon.

Matatandaan na binatikos online ang nasabing nursing student matapos na isama sa kanyang vlog ang pagfa flatline ng isang pasyente