Ideneklarang adopted son ng Dagupan city ang criminology student na sumalo sa kapwa estudyante na tumalon mula sa ikalimang palapag ng isang unibersidad sa lungsod.
Kinilala sa regular session ng Sangguniang Panglungsod ng Dagupan ang kabayanihan ni Mart Estephen Navarro, criminology student at residente ng barangay Ambuetel, Calasiao.
Samantala, kinilala rin ng Reserved Officer Training Corps o ROTC unit kung saan membro si Navarro.
Criminology Student na sumalo sa dalagitang tumalon mula sa ika-5 palapag ng kanilang paaralan, ikinuwento ang buong pangyayari
Nabatid na nabalian ng buto sa kanang tuhod si Navarro dahil sa pagsalo sa biktima.
Kuwento niya ay nabisita na niya at binigyan ng bulaklak ang kapwa estudyante.
Una rito, labis labis na namangha at napahanga si City Councilor Joey Tamayo sa kabayanihang ginawa ni Navarro kaya siya gumawa ng isang resolution na nagsasaad na karapat-dapat itong bigyan ng parangal ng Sangguniang panglungsod.
Inimbitahan nila si Navarro na dumalo sa Sangguniang Panglungsod upang ito ay bigyan ng parangal at pasalamatan.
Matatandaan na noong Nobyembre 10, tinangkang kitilin ng 17- anyos na Grade 12 student ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa 5th floor ng isang unibersidad dito sa lungsod.
Kuwento sa bombo radyo ni Navarro nang namataan daw niya ang biktima ay naisip niya agad na ito ay kayang saluhin.