DAGUPAN CITY- Halo halong emosyon at hindi pa rin makapaniwala si King Nixon Castro Mabanta matapos na manguna sa kakatapos lamang na June 2025 Architect licensure examination.
Ayon sa naging panayam kay Ar. King Nixon Castro Mabanta na hindi ganon kadali ang kanyang pinagdaanan dito lalong lalo na noong ito ay nag-aaral at nagrerebyu para sa naturang eksaminasyon.
Aniya, sa katanayan na hindi niya rin naman inaasahan na makakapasok sya sa rank 10 at magiging rank 1 pa.
Taong 2019 nang grumaduate si Nixon sa Pangasinan State University Urdaneta Campus.
Kwento nito na Civil Engineering sana ang kaniyang kukunin noong enrollment dahil ito ang kaniyang pangarap noong bata pa siya lalo na’t sumasama siya sa kaniyang lolo sa construction.
Subalit, naubusan si Nixon ng slot sa nasabing kurso kaya naman naisipan niyang kumuha ng kursong Architecture sapagkat hindi naman ito nalalayo sa pangarap niya.
Dito na nagsimula ang kaniyang pagsusumikpa sa pag-aaral para makapagtapos at makapasa.
Kung ikukumpara anya ito sa naunang licensure examination na kanyang ginawa ay ibang iba lalo na may mga pagkakataon na hindi hindi ito nakakapagbasa ng kanyang mga notes dahil pinagsasabay nya ang research at professionalalism sa masters plumbers nito
Lubos naman ang naging pasasalamat nito sa lahat ng mga sumuporta sa kanya, unang una sa kanyang pamilya, sa kanyang mga instructor sa loob ng umibersidad at sa ibang mga tao na tumulong para maabot nya ang tagumpay na ito.
Samantala, bukod dito ay pumangalawa rin si King Nixon noong Feb 2023 sa Master plumber licensure examination
Samantala, ayon kay tatay Cesar Mabanta, panganay si Nixon sa kanilang tatlong magkakapatid at buo naman suporta nito lalo na at nakita naman nya ang potensyal ng kanyang dahil bahay at school ang kanyang anak.
Kaya naman proud na proud at sobrang saya kila nang makita rin nila ang pangalan ng kanyang anak sa unang listahan ng June 2025 Architecture Licensure Examination.