Ibinunyag ng bansang Estonia na mayroong tatlong Russian fighter jets ang dumaan sa kanilang airspace.
Ayon kay Estonian Foreign Minister Margus Tsahkna na ang tatlong Russian MiG-31 fighter jets ay pumasok sa kanilang airspace sa Gulf of Finland ng walang paalam.
Dahil dito ay kanilang ipinatawag ang chargé d’affaires ng Russia para pagpaliwanagin sa insidente.
Ito na ang pang-apat na beses na nilabag ng Russia ang airspace ng Estonia.
Dagdag pa ni Tsahkna na marapat na taasan ng political at economic pressure laban sa Russia dahil sa pagiging agresibo sa mga boundaries nila.
Nais ni European Commission President Ursula von der Leyen na patawan ng mabigat na sanctions ang Russia dahil sa mga ginagawang paglabag nito sa airspace ng kanilang miyembro.
Magugunitang inireklamo ng Poland at Romania ang paglabag na rin ng Russia sa airspace nila.