Dagupan City – Tumulong na ang Estados Unidos sa pahahanap sa 7 indibidwal na nawawala sa nangyaring pagbagsak ng 2 military helicopter ng Japan na nagresulta sa pagkasawi naman ng 1 indibidwal.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Myles Briones Beltran, Bombo International News Correspondent sa Japan, pinaniniwalaang nagkaroon ng banggaan ang dalawang helicopters.
Isa naman aniyang nakikitang dahilan ay ang madilim na paligid dahil gabi naganap ang insidente. Lumalabas naman sa inisyal na imbistigasyon na parehong chopper ang dalawa at nangyari ito sa southern central ng Japan kung saan ay nagkaroon sila ng training drill sa Pacific Ocean bago tuluyang maganap ang insidente.
Ayon kay Beltran, nang matagpuan ang isang indibidwal ay responsive pa naman ito ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay.
Sa kasalukuyan, umaasa naman ang mga awtoridad na may matatagpuan pang mga makakaligtas.
Samantala, marring itinanggi naman ni Beltran ang mga haka-hakang may kauganay ito sa pangbabato ng Ballistic Missile ng North Korea dahil sa ngayon ay malinaw na isa lamang itong aksidente at walang anumang kasaping intensyong pang militar.