Kinumpirma ng Estados Unidos na sinamsam nito ang isang oil tanker na may Russian-flaggeed tanker na iniuugnay sa pagdadala ng langis ng Venezuela sa North Atlantic.

Dahil dito ilang sasakyang panghimpapawid ng militar ang namataang papalapit sa nasabing barko na pinangalanang Marinera.

May inilabas ding video ang Russian media na nagpapakitang may barkong pandigma ng U.S. na malapit sa tanker.

--Ads--

Batay sa ulat patuloy na mino-monitor ang galaw ng tanker na kasalukuyang nasa humigit-kumulang 200 kilometro o 120 milya sa timog ng Iceland.

Kamakailan lamang ay nagbago rin ito ng direksiyon ng paglalayag.

Inaakusahan ang barko ng paglabag sa mga parusang ipinataw ng Estados Unidos at ng ilegal na pagpapadala ng langis mula Iran.

Bagama’t sa nakaraan ay ginagamit ang tanker sa pagdadala ng crude oil mula Venezuela, sinasabing wala itong kargamento sa kasalukuyan.

Nauna nang may mga ulat na nagpadala ang Russia ng isang submarine at iba pang sasakyang-pandagat upang magbigay-eskort sa tanker habang tinatawid nito ang Atlantic ocean.

Patuloy pang sinusubaybayan ng mga awtoridad ang sitwasyon habang tumitindi ang tensiyon kaugnay ng pagpapatupad ng mga pandaigdigang parusa sa kalakalan ng langis.