Nais na umanong wakasan ng Estados Unidos ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia sa katapusan ng Hunyo, kung saan inimbitahan sina Ukrainian President Volodymyr Zelensky at Russian President Vladimir Putin sa US para sa pag-uusap.

Ayon kay Zelensky, may proposal ang Amerika na ihaharap para sa dalawang bansa sa susunod na linggo at kumpiradong dadaluhan ito ng dalawang lider.

Aniya, patuloy ang pagtulak ni US Pres. Donald Trump ang pagwakas ng naturang kaguluhan simula pa nang maupo ito muli sa pagiging presidente ng USA.

--Ads--

Samantala, patuloy pa rin ang pag-atake ng Russia sa Energy Infrastructure ng Ukraine na nagdulot ng malawakang kawalan ng kuryente.