Pinaalahanan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. ang publiko na patuloy umano ang pagbabantay ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Pinatitibay na rin umano ng presensya ng gobyerno sa siyam na istasyon sa West Philippine Sea, mga iba pang istasyon sa Batanes at pati na rin sa malayong isla ng Mavulis.

Makakaasa rin daw ang mga Pilipino na ginagawa ng National Task force ang lahat kasama na diyan ang Armed Forces of the Philippines, Philippine Coastguard at Bureau of Fisheries at iba pang ahensya na tinutugunan ang mga pangangailangan ng mga mangingisda.

--Ads--

May mga tugon na rin umano ang kanilang Task Force sa mga isyung lumalabas.

Pahayag rin ni Esperon na ang mga balitang lumalabas ukol sa mga panghaharass sa mga mangingisda ay pawang mga balita para sirain ang administrasyon.