DAGUPAN CITY- Isa ka rin ba sa hate na hate ang hassle na byahe? Eh paano nalang kung isa ka rin sa mga pasahero ng isang eroplanong patungo sa India na mula sa Estados Unidos na kinailangan bumalik sa pinagmulan dahil sa baradong toilet?
Normal at nasa maayos na kundisyon ang Flight 126 na mula sa Chicago patungong Delhi. Inaasahan itong lalapag sa Indira Gandhi International Airport subalit, matapos ang napakatagal na biyahe ay kinailangan nitong bumalik sa Chicago dahil sa baradong palikuran.
Ayon sa isang insider, 9 sa 10 palikuran o toilet ang barado at isa lamang ang functional. Aniya, hindi pa natutukoy kung ano ang pinagmulan ng nasabing problema.
Tiniyak naman ng Air India na maibibigay pa rin nila ang magandang serbisyo sa mga pasahero kaya bilang pagtugon, magbibigay sila ng full refunds sa mga cancellation at gayundin sa free rebooking para sa mga naapektuhan ng insidente.