Halos nasa 2 o 3 araw nang nakakaranas ang Northern Luzon lalo na ang lalawigan ng Pangasinan ng malamig na temperatura sa gabi at madaling araw kahit papalapit na ang pagdeklara ng Dry season.

Dahil dito, halos karamihan sa mga indibidwal ay gumagamit na ng kanilang mga jackets o nagsusuot ng makakapal na damit upang maibsan ang malamig na panahon.

Ayon kay Engr. Jose Estrada Jr. ang Chief Meteorologist ng PAGASA Dagupan na ang kakaibang sitwasyong ito ay dulot ng pagpasok ng isang weather system mula sa Central and Eastern Pacifico, na nakalalamang sa umiiral na high pressure area.

--Ads--

Nananitili parin kasing nararanasan ang Northeast monsoon o amihan kaya nagdadala parin ito ng malamig na temperatura at epekto din ng climate change.

Ipinaliwanag niya na ang weather system na ito ay nagresulta sa pagbaba ng temperatura sa kalupaan ng Pilipinas, kung saan naitala ang pinakamababang temperatura na 20 degrees Celsius ngayong Marso sa lalawigan ng Pangasinan.

Bukod dito, Hinggil naman sa pagdeklara ng tag-init, sinabi ni Engr. Estrada na wala pa silang opisyal na anunsyo pero malapit na ito.

Ang pagpasok ng tag-init ay mangyayari lamang kapag nagtuloy-tuloy na ang pag-iral ng high pressure area sa Central Pacifico at ang diretsong Easterly Wind Flow.

Saad pa nito na hindi pa nila matukoy kung hanggang kailan mararanasan ang malamig na temperatura kaya nagpaalala ito na dapat alagaan ang sarili dahil malaki ang epekto ng pabago-bagong panahon sa kalusugan ng isang tao.