Ramdam na ng mga mamamayan sa Japan ang epekto ng supertyphoon na Hinnamnor.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Hannah Galvez mula sa Japan, bago pa tumama ang bagyo ay pinalikas na ng mga awtoridad ang mga residente sa Okinawa prefecture at sa rehiyon ng Amami sa Kagoshima Prefecture.
Napakalakas ng hangin ang dala nito at katunayan ay nagtumbahan na ang plantation ng sugar cane.
Pinaalalahanan umano ng mga otoridad ang mga tao na huwag lumabas ng bahay kung hindi naman kailangan.
Sa ngayon ay marami na aniya ang nasa evacuaton center lalo na ang mga matatanda kung saan inaasahang mananatili hanggang sa darating na linggo.
Samantala, naghahanda na rin ang Taiwan sa malakas na ulan na dala ng supertyphoon na Hinnamnor.
Ayon kay Jason Baculinao, Bombo International News Correspondent sa Taiwan, inaasahan na tatagal ang epekto ng bagyo sa Biyernes hanggang sa araw ng Sabado kung saan lubhang pinakamaapektuhan ang Taipe area.
Sinabi nito na pinaaalalahanan na ng pamahalaan ang mga tao na mag ingat.
Sinabi ni Baculinao na madalas na ulanin sa bandang hilagang bahagi ng bansa.
Inaasahan na rin aniya ang madalas na pag ulan dahil papasok na ang winter season.