Tinututukan ngayon ng Americares Philippines ang epekto ng pabago-bagong panahon sa mental health at well-being ng publiko kung saan bukod sa pamamahagi ng relief goods, libreng serbisyong medical, mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan sa tuwing may kalamidad na nararanasan ay nagbibigay din sila ng climate resilience tool kit bilang pagtugon sa pabago bagong panahon hindi lamang sa bagyo ngunit maging sa tag-init.

Ayon kay Paul Gwyn Pagaran ang siyang Country Director ng naturang organisasyon na ang proyektong ito ay sa pakikipag-ugnayan sa Department of Health upang makatulong sa mga mamamayan lalo na nakikita nila ang paglala ng mga bagyo, lindol at ang climate change na nararanasanan ngayon sa ating bansa.

Aniya na kabilang sa kanilang tool kit ay mga gamot, hygiene kits, cleaning kits at iba pa gayundin ang mga guide na dapat gawin ng publiko sa tuwing nakakaranas ng kalamidad dahil mahalaga ang kalusugan lalo na at maraming mga sakit ang nakukuha.

--Ads--

Maliban pa rito isa rin sa kanilang tinututukan ay ang pangangalaga sa mental health ng mga apektado upang matulungan at masuportahan sila na maiproseso ang mga nangyayari dahil tumataas din ang bilang ng mga nai-stress, nagkakaroon ng anxiety at ang madalas na pag-iisip ng mga problema kaya naman ang kanilang pangunahing pinopromote ay ang mental health at well being.

Bukod dito ay mayroon din silang psychological first aid training sa pakikipagtulungan sa mga local government unit at iba pang mga aktibidad para sa mga matatanda at maging sa mga bata.