DAGUPAN, City- Umiwas sa stress at mga dalahin sa usapin ng relasyon upang hindi rin maapektuhan ang puso.

Ito ang Dr. Jess Canto, resource person ng programang Dr. Bombo hinggil sa pangangalaga ng puso mula sa mga heart diseases lalo na sa nalalapit na Valentines day.

Ayon kay Canto, matapos ang ilang pag-aaral, napag-alaman na ang sobra-sobrang lungkot dahil sa matinding away sa mga relasyon, hiwalayan, problema sa pamilya, at maging ng stress ay maaring maging sanhi ng heart attack na isa sa raso ng kamatayan ng isang tao.

--Ads--

Paliwanag niya, dahil sa matinding sakit o bigat ng naramdamang emosyon o pakiramdam, hindi nakakayanan ng pain receptors ang dinadala ng isang tao kaya naman ito umano ay sinasalo ng puso.

Kaya naman dahil dito ay nadiskobre ang emotional heart syndrome na siyang nararanasan ng mga tao na hindi nakakayanan ang sakit mula sa mga problema sa aspeto ng pag-ibig o pakikipagrelasyon.