Epekto ng El Niño Phenomenon, ramdam na sa San Fabian, Pangasinan, ilang mga balon natuyuan na

192

DAGUPAN CITY — Ramdam narin ng ilang mga magsasaka sa bayan ng San Fabian ang epekto ng tagtuyot o El Niño Phenomenon.

       Batay sa ilang lumalabas na impormasyon, natuyo na ang ilang mga balon na pinagkukunan ng patubig ng mga magsasaka at nagsisimula naring magkaroon ng pagbibitak-bitak ng lupa sa ilang palayan sa lugar na indikasyon ng kakulangan ng tubig.

       Maging ang bahagi ng Bued River ay mapapansin ang pagbaba ng lebel ng tubig.

--Ads--

       Maliban dito ay pahirapan narin ang suplay ng tubig lalo na ang mga residente ng Brgy. Armal lalo at wala narin umanong lumalabas sa kanilang mga poso.

       Sa ngayon ay nagsisimula na ang scheduling ng pagpapatubig na tulong para sa mga magsasaka.