DAGUPAN CITY- Itinaas man sa signal no. 4 ang eastern portion ng Pangasinan kahapon, hindi naman gaanong naramdaman ang matinding epekto ng bagyong Pepito sa bayan ng Asingan.

Sa panayam kay Dr. Jesus Cardinez, Local Disaster Risk Reduction And Management (LDRRM) Officer III ng Asingan Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), mahinang hangin at banayad hanggang katamtaman na ulan ang kanilang narasanan.

Subalit, nanatiling alerto ang kanilang tanggapan kung saan simula pa noong Bagyong Julian nang itinaas nila ang red alert status.

--Ads--

Maliban pa riyan, aktibo rin ang kanilang Barangay Disaster Risk Reduction Council (BDRRMC).

Naging handa naman ang kanilang emergency team para sa agarang pagtugon sa anumang pangangailangan.

Kaugnay nito, sinubaybayan din nila ang dalawang pangunahing ilog sa bayan, ang Toboy River at Agno River at nakita nila na may pagtaas ng tubig dahil sa pagbukas ng dalawang gates ng San Roque dam.

Nasa Anim aniya na barangay ang nasa tabi ng Agno River ngunit na-alerto na ang mga BDRRMC sa mga lugar na ito para sa posibleng pagbaha.

Samantala, wala pang ulat ng pre-emptive evacuation ang naitala sa kanilanh nasasakupan ngunit nagkaroon lamang ng pagbagsak ng puno kanina dahil sa hangin siyang nagdulot ng 30 minutong brownout sa ilang lugar, ngunit naibalik naman agad ang kuryente.

Pinaalalahanan ni Dr. Cardinez ang publiko na manatiling alerto dahil hindi pa lumalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR).